top of page

Muntik nang mapatay ng kapatid
dahil sa pagiging Kristiyano!

s-12-13-hu-nu-lu-har-kraftige-arr-i-ansiktet-etter-knivangrepet-han-ble-utsatt-for-av-sin-
s-12-13-legene-opererte-i-mange-timer-for-berge-den-knivskadde-h-nden-hans_2.jpg

Ang pangalan ko ay Duc. Ama ng tatlong lalaki at tatlong babae. Bago ko nakilala si Kristo, isa akong Budista. Ang populasyon ng aking nayon ay humigit-kumulang 300 katao na binubuo ng 59 na pamilya. Lima (5) lamang sa 59 na pamilya ang mga Kristiyano noong panahong iyon.

Narinig ko ang tungkol kay Jesus, ngunit hindi ako naniwala. Hanggang sa dumating ang isang ebanghelista na nagngangalang Tham sa aming nayon upang ibahagi ang ebanghelyo noong 2015. Sinabi niya na ang Diyos ang Manlilikha na lumikha sa atin, at kailangan natin siyang sambahin bilang ating Panginoon. Ipinaliwanag niya na ang mga bagay na itinuro at pinaniwalaan namin noong aming pagkabata ay hindi totoo. Natanggap ko ang kanyang mensahe, at natutunan kong malaman ang katotohanan. Noong Hulyo 2015, binuksan ko ang aking puso kay Kristo. Pagkatapos nito, nagpasya akong tanggalin ang altar na mayroon kami sa aming tahanan. Tinanggap din ng asawa ko at ng mga anak ko si Kristo. Mula sa araw na nakilala ko si Jesus, naunawaan ko na ang kanyang puso ay para sa mga tao. Nakaramdam ako ng saganang kagalakan at kapayapaan sa Kanya araw-araw.

Noong Disyembre 2015, tumawag ang aking kapatid na lalaki sa pulisya, at dumating sila upang pilitin akong talikuran si Kristo. Sabi ko hindi ako susuko sa pagsunod sa Kanya. Sinabi ko sa kanila na naniniwala ako kay Jesu-Kristo, at hindi iyon nakakasama sa sinuman. Pagkaraan ng ilang sandali ay umalis ang mga pulis, ngunit ang aking kapatid na lalaki at ang Kanyang pamilya ay talagang kinasusuklaman pa rin ako dahil sa pagiging Kristiyano.

Mga bandang alas 7:00 AM sa parehong araw, noong Pebrero 2017, pauwi na ako mula sa isang pulong ng panalangin. Dumaan ako sa bahay ng aking kapatid na lalaki gamit ang aking motorsiklo, ngunit ang kalsada ay di maayos, kaya kailangan kong magmaneho nang mabagal. Kasama ko ang dalawa kong mga anak na babae - isa 12 at ang isa ay 13 taong gulang. Nang biglang tumakbo ang aking kapatid papalapit sa amin na may dalang malaking kutsilyo at sinubukan akong patayin. Natakot ang aking mga anak na babae; tumalon sila sa motor at tumakbo para sa kanilang buhay. Nahuli ako ng kapatid ko, at sinaksak niya ako sa mukha, balikat, at braso gamit ang kutsilyo ; halos maputol niya ang kanang kamay ko. Habang ramdam ang sakit ng mga sugat na natamo, narinig ko ang isang tinig sa aking isipan na nagsasabing: "Tumakbo, tumakbo!" Nagsimula akong tumakbo habang may dugong umaagos sa katawan ko. Hinabol ako ng kapatid ko, ngunit  hindi niya ako naabutan.Siya ay bumalik sa kanyang bahay para kunin ang kanyang motorsiklo. Balak niyang sundan ako para masiguradong mapatay niya ako. Nakita siya ng isa sa kanyang na anak na babae at napansin ang gagawin nito at nagawa niyang hadlangan siya.

Nang makauwi ang dalawa kong anak na babae; sinabi nila sa pamilya ko ang nangyari. Pagkatapos ay tumakbo ang isa sa aking mga anak na lalaki at kinuha ang aking bisikleta kung saan ko ito iniwan. Siya ay nagpalibot-libot upang hanapin ako. Nang matagpuan niya ako, tumawag siya ng ambulansya para dalhin ako sa ospital na may 100 kilometro mula sa kinaroroonan ko. Bandang alas 9:00 ng umaga dumating ang ambulansya.Nang maisakay na nila ako sa sasakyan, nahimatay ako dahil sa dami ng ng dugo umagos mula sa akin. Inoperahan nila ako buong araw hanggang alas 5:00 ng hapon. Ako ay nailigtas gayundin ang aking braso, ngunit nang magising ako ay hindi ako makakita. Salamat sa Diyos, pagkatapos ng tatlong araw ay bumalik ang aking paningin! Naniniwala ako na ang Panginoon ang nagligtas sa akin, kahit maraming tao sa aking nayon ang nakatitiyak na ako ay mamamatay sa matinding pinsala. Nang mabalitaan nila, makalipas ang isang linggo, na buhay pa ako, hindi nila ito lubos maisip. Tunay na ang Panginoong Diyos ang tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa Kanya, hindi ako mabubuhay ngayon, kaya lubos ang aking pasasalamat.

Pagbalik ko sa aking nayon, nagsimula akong magbahagi sa aking mga kapitbahay tungkol sa kung gaano ka makapangyarihang Diyos ang aking pinaglilingkuran. Marami sa kanila ang nakatanggap. Ngayon, 20 sa 59 na pamilya sa aming nayon ay mga tagasunod na ni Kristo. Namatay ang aking kapatid pagkalipas ng isang taon. Napatawad ko na siya, at dalangin ko na patawarin din siya ng Panginoon sa kanyang kasalanan. Ibinabahagi ko rin sa kanyang pamilya ang tungkol sa Ebanghelyo na umaasang matatanggap din nila at nang sila ay maligtas. Alam ko na ngayon ang katotohanan, at sinasamba ko ang Panginoon bilang aking Tagapaglikha at Tagapagligtas. Aleluya!

bottom of page