Heading 1
Nakilala ng mga Budista si Hesus
Napakaraming Budista ang nagiging mga Kristiyano sa timog ng Tsina, kaya't ang mga pinuno ay nagpatupad ng mga bagong batas na nag uutos sa mga bagong nagbalik-loob na ibigay ang kanilang mga anak sa lokal na templo ng Budismo bilang parusa sa pagtanggap kay Cristo.
Ang mga lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Yunnan Yingjiang, Dehong Dai at Jingpo Autonomous Prefecture, ay pinupwersa ng mga lokal na pinuno ng Budismo upang magpatupad ng matitinding patakaran para sa mga lokal na mamamayan na nag babalik luob sa Kristiyanismo. Bilang resulta, ang mga bagong batas ng draconian ay pinatupad noong nakaraang linggo na pumipigil sa mga lokal na mag-convert sa Kristiyanismo, o mawawala sa kanila ang lahat - kasama na ang kanilang sariling mga anak.
Karamihan sa mga pag-uusig laban sa mga Kristiyano sa Tsina ay pakana ng gobyerno. Gayunpaman, maraming beses sa kanlurang China, ang pag-uusig laban sa mga Kristiyano ay hindi direktang mula sa gobyerno; sa halip nagmula ito sa mga lokal na pinuno ng relihiyon, tulad ng mga Budista sa timog-kanlurang Tsina at mga Muslim sa hilaga / hilagang-kanluran.
Ang Yingjiang ay malapit sa hangganan ng Tsina at Burma at karamihan ay pinaninirahan nang mga Theravada Buddhist. Ang BTJ ay nagtayo ng mga paaralang primarya at klinika na malapit sa lugar na ito at naglilingkod sa rehiyon na ito mula pa noong 1996.
Noong nakaraang linggo, Ang Yunnan autonomos committee na namamahala sa mga tagabaryo ay hindi pinahintulutang mag bahagi nang Kristiyanismo, dahil ang kanilang opisyal na relihiyon ay Budismo. Ang sinumang lumabag sa bagong regulasyon ay dapat magsuko ng kanilang mga pag-aari, kanilang sakahan, at mag alay ng isang pang-relihiyosong handog kay Buddha tulad ng mga baboy, alak ng bigas, at bigas sa isang seremonyong Budista na tinawag na 'Xizhaizi.' Ang "Xizhaizi" ay isang lokal na ritwal ng pagsasakripisyo para sa Budismo, na isinagawa ng Dai na etnikong minorya sa Tsina, na nagpapalakad sa mga nagkakasala sa paligid ng nayon habang nagdadala ng mga parangal na buhay na baboy at sinisigaw ang kanilang kasalanan. Kung wala silang buhay na baboy, dapat nilang dalhin ang kanilang anak at ialay sila bilang isang pagkilala para sa seremonya; kabilang dito ang paglalaan ng mga ito sa templo para sa paglilingkod. Matapos ang seremonya ng paghahandog, ang nagbalik-loob ay pinag-uutosan na hayagang ipagkanulo si Hesu Kristo.
Ayon sa mga bagong batas, ang pamilya ng nag-balik loob ay dapat ding talikuran ang kanilang pananampalatayang Kristiyano. "Kung ang sinumang bata o kamag-anak ng nagkasala ay patuloy na naniniwala sa ibang mga relihiyon," nabasa ng batas, "ang lahat ng kanyang mga bukirin ay kukunin at ipamamahagi sa nayon."
Samantala, sinabi ng ika-apat na artikulo na walang sinuman ang dapat tumulong sa iba na sumunod sa ibang mga relihiyon. Sinabi ng isang lokal na pastor, "Ang nayon ay nagtatakda ng mga patakaran na walang taong Dai ang dapat maniwala sa Kristiyanismo." Noong 2016, sinabi niya sa mga nagbalik -loob na Dai na huwag ipahayag na nagbalik-loob na sila dahil ang ilan ay sumira sa kanilang mga pamilya. Ang kalubhaan ng mga kahihinatnan ay hindi mas mababa kaysa sa panganib ng mga Muslim na nagbalik- loob upang sumunod sa ibang mga relihiyon.
Ang Yingjiang ay may populasyon na 320,000 katao. Ang karamihan ng mga tao ay mula sa tribong minorya ng Dai. Ang mga taong Dai ay itinuturing na higit na hindi naabot, ngunit malaki ang pagbabago sa huling dekada.
Ang mga patagong simbahan nag mga Tsino ay nagpadala ng mga misyonero upang maglingkod sa rehiyon na ito at magtanim ng mga simbahan. Nasaksihan nila ang malalaking tagumpay. Noong 2016, sinabi ng opisyal na survey na mayroon na ngayong higit sa 10% na nag-aangking mga Kristiyano - mga 34,000 na ngayon, sa taong 2020, ipinahiwatig ng aming mga koponan na ang bilang ng mga nananampalataya ay mas mataas at maaaring kasing taas ng 20% ng populasyon. Ang biglaang pagdami ng mga mananampalataya ay nagdulot ng pagkasindak sa mga lokal na pinuno ng Budismo. Nakikita nila na ang kanilang kontrol ay lumiliit at kailangang gumawa ng matinding hakbang upang matigil ito. Mayroong 240 mga simbahan sa lugar na may higit sa doble na para sa mga simbahang patago. Ang isang rehistradong simbahan lamang ay mayroong higit sa 1,500 mga miyembro.