Binuhay Mula Sa Pagkamatay
Nang Hindi Kilalang Dios
Lumaki si Dilak sa tahanan na isang Hindu. Ang nayon na kanyang tinitirhan ay puno ng mga taong may mataas na castilyo, at walang mga simbahan doon. Mayroon siyang isang hindi pangkaraniwang kuwento na ibabahagi namin sa iyo, tulad ng sinabi niya sa kanyang sarili noong nakilala namin siya sa Nepal.
"Ipinanganak ako sa isang pamilyang Hindu, at napakaligalig sa pananampalatayang Hindu. Dalawampung taon na ang nakalilipas, habang papasok ako sa paaralan, nagkasakit ako. Ito ay isang di-pangkaraniwan na karamdaman sa isa sa aking mga paa, at tumagal ito ng anim na buwan.Nagdasal kami at nagsakripisyo sa lahat ng kilalang mga diyos-diyosang Hindu, ngunit walang tulong mula rito. Napaka mahal para sa amin na kanailangan pa naming mag benta ng bahagi ng lupain na pag-aari namin upang mabayaran ang mga sakripisyo. Bago mismo ng pangunahing pagdiriwang ng mga hindu ay namatay ako mga bandang 6:00 PM, sa sarili kong bahay kasama ang aking pamilya na nakaupo sa paligid ko. Dahil sa tradisyon ang buong angkan ay pumunta sa aming bahay. Ang aking pamangkin, na isang doktor, ay sinuri ang aking katawan at nakumpirma sa aking pamilya na patay na ako
Karaniwan para sa mga Hindu ang nakasanayang paglibing ng isang tao mismo pagkatapos na idineklara na sya ay patay na; minsan ang katawan ay susunugin pagkatapos ng isang oras lamang. Gayunpaman, dahil sa pagdiriwang ang aking pamilya ay hindi ito nagawa bago ang susunod na araw. "
Napaka tumpak ng pagsabi ni Dilak ng kanyang kuwento. Tinanong niya ang mga tao na nasa paligid niya at naka saksi ng buong pangyayari upang makuha ang lahat ng mga detalye. Ang mga kasunduan ay ginawa upang dalhin ang kanyang patay na katawan at ang espesyal na seremonyal na lahat ay naka puting damit sa lugar kung saan ang patay ay susunugin sa susunod na araw. Ang kanyang pamangkin na si Doktor Dhaniram, ay nais na makita ang kanyang patay na tiyuhin nang isang beses pa bago ang pagsunog nito , kaya't siya ay bumaba sa kanilang bahay ng 6:00 AM ng susunod na umaga, bago magtrabaho.
Habang tinitingnan niya ang kanyang tiyo, mayroon siyang kakaibang pakiramdam na parang may nangyayari. Gayunman naintindihan niya na ang espiritu ay bumalik sa patay na katawan. Parehong nakumpirma ng doktor at ng pamilya ni Dilak na ang kanyang katawan ay malamig na parang yelo sa oras na iyon, at ang mga ngipin niya ay nawala na ang pangingitim. Kumuha sila ng mga tela at inilubog sa mainit na tubig at inilagay sa paligid ng katawan upang painitin muli. Unti-unti bumalik ang buhay sa katawan.
Ang pamilya ay nasa pagkabigla at puno ng kagalakan dahil sa nangyari. Si Dilak mismo ay hindi maka alaala na bumalik sya sa buhay hanggang ika-siyam o sampu ng umaga, ngunit naalala niya nang mabuti ang kanyang naranasan habang siya ay wala sa kanyang katawan."Nang umalis ang aking espiritu sa aking katawan nang ika-anim ng hapon, naramdaman kong umakyat ako ng isang bundok, ngunit hindi ito isang normal na bundok na tulad dito sa lupa. Naaalala ko na mayroon akong parehong uniporme sa paaralan na suot ko bago ako namatay, at naglalakad ako sa isang napaka matarik at liko-likong kalsada.Nakita ko ang maraming lumpo sa daang ito; maraming tao na walang binti at ang iba ay walang mga paa, ngunit hindi nila ako nakita. Walang nakapansin nang pagdaan ko.
Nagpatuloy ako at sa wakas nakarating ako sa tuktok ng bundok. Doon ko nakita ang isang napakalaki, walang katapusang dagat, hindi maihahambing sa anumang nakita ko. Nakita ko ang isang bagay na naglalakad sa dagat na tila isang puting kabayo, na naglalaro sa tubig. Nakita ako ng nilalang na ito at lumapit ito, sa ganon nakita ko ito ng malinaw. Ito ay isang kabayo. May narinig akong tinig na nagsabi: "lumapit ka sa kabayo at sumakay".
Natakot ako sa pangitain, ngunit sumakay pa rin ako sa likod ng kabayo. Ang kabayo ay tumatakbo sa dagat nang napakabilis, at tila bay napakasaya nya. Biglang naging isang ilog ang dagat, at ang ilog na ito ay direktang gumabay sa akin patungo sa aming bahay. 15 minuto mula sa aming bahay ang kabayo ay tumigil. Narinig ko ang parehong tinig na nagsasabi sa akin na bumaba ka sa kabayo. Bumaba ako mula dito at inilagay ang kanang paa ko sa lupa. Sa sandaling iyon ay may isang bagay na puti, halos tulad ng gatas na ibinuhos sa aking mga paa, at tumagal ito ng sampung minuto habang naglalakad ako patungo sa aming bahay. Limang minuto bago ako nakauwi, tumigil ang agos mula sa aking paa. Iyon ang huling bagay na naalala ko bago magising sa susunod na araw. "