Heading 1
Nakatagpo ng mga Muslim
si Hesus
Sa isa sa aming mga pagpupulong ay nagkaroon kami ng isang espesyal na oras upang manalangin para sa pagpapagaling. Ang lahat ng mga may sakit ay binigyan ng pagkakataong ipagdasal. Habang nagdarasal kami, isang babae ang tumayo at ibinahagi sa tuwa na pinagaling siya ni Hesus. Habang ibinabahagi niya ang kanyang patotoo, isang ginang na Muslim ang napadaan. Huminto siya sa labas at nakikinig, pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok siya sa tindahan kung saan kami nag tipon. Pagkaraan ng ilang sandali lamang ay sinabi niya na "maaari mo bang ipanalangin din ako? Ako rin ay may sakit at nais na gumaling. " Lahat ay nagulat. Ito ang unang pagkakataon na naranasan nila ang isang Muslim na humiling sa mga Kristiyano ng panalangin. Natuwa rin sila, at masayang nanalangin para sa kanya. Kailangang manalangin sila nang mabagal, dahil ang mga Muslim sa Tsina ay nagsasalita ng kanilang sariling wika, at hindi niya masyadong alam ang mga wika ng Intsik.
Habang siya ay ipinagdarasal nila ang isa sa mga kapatid ay nagtanong sa kanya "gusto mo bang maniwala kay Hesus?" tumango siya na may paninindigan, at ibinigay ang kanyang buhay kay Hesus. Mula sa sandaling iyon ay nagsimulang bumuti ang kanyang pakiramdam. Nang umuwi siya ay namangha ang kanyang asawa. Ito ay isang napakahirap na pamilya, at nagastos na nila ang lahat ng kanilang pera sa gamot at mga doktor. Sinabi sa kanila ng doktor na ang ginang ay mayroon na lamang ilang mga buwan upang mabuhay. Lahat sila ay wala nang pera, at lubos na walang magawa. Dahil dito nagkaroon ulit sila ng pag-asa.
Ang buong pamilyang ito ay nagsimulang magtungo sa mga pagpupulong sa pag sambahang ito, at pagkatapos ng maikling panahon silang lahat ay nabinyagan. Ang mga tao mula sa simbahan ay madalas ding dumadalaw sa kanilang bahay. Sa kabilang banda, ang mga pinuno ng Muslim sa lugar na iyon ay hindi na galak. Nagtipon sila ng isang pangkat ng mga Muslim, at pinapaligiran ang bahay ng pamilyang ito na may mga sandata sa kanilang mga kamay. Sumigaw sila sa pamilya "Kung tanggihan nyo ang relihiyong Kristiyano na ito at aminin na kayo ay tunay na Muslim ay hahayaan naming mabuhay kayo, kung hindi papatayin namin kayo!"
Ang tao sa bahay ay hindi madaling natinag. Sumigaw siya pabalik: "sino sa inyo ang pumunta rito upang tulungan kami noong nahihirapan kami at wala kaming pagkain sa mesa? Sino sa inyo ang dumalaw sa amin dito nang masabihan ang aking asawa na may ilang buwan na lamang siyang natitira upang mabuhay, at hindi namin kaya ang magpagamot? " Tanging ang mga Kristiyano lamang ang dumating upang tulungan kami. Sila lamang ang nagpakita ng pagkahabag! Nakatira kayo malapit sa amin, kayong lahat. Kayo ang aming kapitbahay, ngunit walang isa sa inyo ang nagmamalasakit sa amin. Nagpunta ako sa Mosque bilang isang mabuting Muslim, ngunit wala akong tulong na nakuha doon. Si Hesus lamang ang tumulong sa aking pamilya noong kailangan namin ito. Si Hesus lamang ang nagpagaling sa aking asawa nang siya ay malapit nang mamatay.
Hindi pa kailanman nagkaroon ng isang tao na nakipag-usap sa mga Muslim tulad nito, ang takot ay dumating sa kanila, at hindi sila gumawa ng anoman upang saktan ang pamilya. Isa-isa silang nawala. Wala silang ibang pagpipilian. Ngayon ang pamilyang ito ay nagho-host ng isang house church doon, sa gitna ng Muslim Town na ito.