
Ang Patotoo ni Robina "Inday" Yagao

Ako Robina “Inday” Yagao 68 taong gulang, nakatira sa Toril Davao City. Balo na at apat na natiang mga anak mula sa anim.
Nakilala ko si Hesu Kristo noong akoy bata pa sa pamamagitan ng pagsama- sama ko sa mga kabataan na pumupunta sa simbahan. Ngunit iyon ay mababaw na pagkilala lamang.
Hanggang sa dumating ang panahon nang akoy magdalaga, ginagawa ko na ang mga makamundong bagay. Walang akong tapat na pananampatalaya, at aking aking mga magulang din ay di nagsisimba.
Hindi din ako marunong mag pakumbaba, lumlaban ako kung may mang-aapi saakin, at pumapayag ako kahit dina na magkipagbati habang buhay. Mahilig akong mag karaoke kung saan basta may barkada at kantahan. Pati masasamang pananalita ginagawa ko.
Bumalik ako sa Dios sa edad na 60, pasimba simba lang at hindi parin pa talaga malalim pa.
Hanggang sa dinala ako ng Diyos sa isa pang simbahan sa isang Baptist Church. Dahil sa nakita kung kakaiba at kahanga hangang pag-uugali ng mag –asawang pastor. Kung paano sila nakikitungo sa mga meyembro at bisita, ako ay namangha.
Naramdaman ko uli ang pag-ibig nang Diyos. Iyong pinakita nilang commitment sa paglilingod ay talagang kahanga –hanga. Sila ay may pusong mapagbigay at talagang umaasa sa pagproprovide ng Diyos at hindi sa Tao.
May mga pagkakataon na may pangangailangan ang aming simbahan at gusto ng mga meyembro na mag ambagan, pero mas hinikayat ng aming pastor sa Arakan sa huwag nang mag ambagan dahil alam niya na may pangangailangan din ang mga meyembro. Bagkus hinikayat kami ng aming pastor magtulugan sa panalangin sa at hayaan na ang kapamaraanan ng Diyos na provide ang pangangailangan sa aming nalalapit na Thanks Giving. Kaya mas lalo akong namangha sa kanilang pananampalataya.
Hinipo ang aking puso dahil hindi lang sila nangangaral ng pananalig ngunit ito ay kanila din isinasagawa. Naging maganda din silang halimbawa sa mga meyembro. At sa kabila ng marami nilang pangangailangan nagagawa parin nilang tumulong sa iba.
Sinasabi din nila samin na wag tumigin sa tao dahil ang tao may kahinaan din ngunit ituon ang pananalig at panigin sa Diyos. Dahil duon inisip ko na gusto kung maging ganyang din ang buhay ko kung paano sila binago ng Diyos, kung paano kumilos ang Diyos sa kanila, gusto ko din marasan. Gusto kung makilala ng lubos ang Diyos at gusto kung baguhin ako ng Dios.
Naramdaman ko ang tunay na kagalakan sa puso na diko maipaliwanag, nauunawwan ko ang natangggap ko na kaligtasan ni Hesu-Kristo at ang Kanyang habag at pagtatawad. Labis na pagmamahal ang aking nararamaman na kahit may pagsubok andun parin ang kapanatagan.
May mga bagay din na sa edad na ito na napagtanto ko ang dami kung sinayang na oras at pagkakataon, iginugol ko sa makamundong bagay na panandalian lang ang saya. Sabi ko sarili ko sa sarili ko, “bakit ngayon pa? Ang sarap pala pag nasa Panginoon ka” Ang Kanyang kagalakan kakaiba na dimo mahahanap sa mundong ito. Kaya sabi ko sa tulong ng Diyos mananatili talaga ako sa Kanya. Sa tulong ng Diyos, mula noon, binigyan ako ng pagkakataong maglingkod sa Dios. Hanggang ngayon kahit san ako magpunta patuloy parin ang paggamit Niya sakin.
Mula Arakan North Cotabato hanggang ditto sa Toril Davao City.
Napakasayang maglingkug sa ating buhay na Diyos . Ang panalangin ko na hanggang sa huli kung buhay, mapurihan ko ang Diyos kasama ng aking pamilya.
Ngayon ako ay connected sa mga realty properties bilang ahente ng lupa. Kahit akoy matanda na at matagal nang balo, ngunit di naman kami binabayaan ng Diyos. Lagi kung pinaghahawakan ang kanyang salita sa bibliya:
Juan 14:1
“Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.
Lumapit tayo sa Diyos at tayo ay lagging makakasumbong ng Pag-ibig sa pamamagitang ng Kanyang Bugtong na Anak na si Hesus na Siyang biyaya satin.
Lahat ng mataas na Papuri ay Tanging Sa Diyos Lamang!