
Ang Diyos na nakasabit sa Krus

Noong Setyembre 1999, si Pastor Tuy Seng ay naglakbay sa lalawigan ng Khampong Tom sa hilagang Cambodia. Ang kanyang hangarin ay ang pagdala ng ebanghelyo sa mga lugar ng lalawigan na ito na hindi pa naaabot. Ang bahaging ito ng bansa ay isa sa mga huling nakahiway na lugar na kontrolado ni Khmer Rouge hanggang sa pagtatapos ng ika-20 siglo, kaya imposible na dalhin ang ebanghelyo dito. Sa pagkakaalam ng mga tao, si pastor Seng ang unang mangangaral ng ebanghelyo ni Cristo sa lugar na ito. Karamihan sa mga nayon ay Buddhists o Espiritista, at ang Kristiyanismo ay hindi lubos na kilala.
Nang dumating si Pastor Seng sa isang maliit na nayon, binati siya ng bukal sa puso. Ang mga tao doon ay hindi makakakuha ng sapat na ebanghelyo. Halos lahat sila ay ibinigay ang kanilang buhay kay Cristo. Nag-usisa si Pastor Seng tungkol dito. Habang nagtatanong siya sa paligid, nagkaroon siya ng pakiramdam na siya ang hinihintay nila.
Isang matandang ginang ang lumapit sa medyo mahiyain na paraan, yumuko, at kinuha ang mga kamay ni pastor Seng. "Oo naghintay kami" sabi niya. "Naghintay kami sa iyo sa loob ng 20 taon". At sinimulan niyang ikwento ang tungkol sa nayon.
Nang magkaroon ng kapangyarihan si Khmer Rough sa Cambodia, sinira nila ang lahat ng mga anyo ng istraktura at ang kaayosan sa buong bansa - mga tulay, kalsada, ospital, imprastraktura, at mga paninindigan sa buhay ng mga tao. Sistematiko itong nangyari, at sa paglipas ng panahon. Sinimulan nila ang malalaking lungsod tulad ng Phnom Penh, at pagkatapos nito ay sa pag "lilinis" ng mga nayon naman sila tumuon.
Ang mga sundalo ay dumating sa nayon na ito ng Khampong Tom noong 1979. Nagpatuloy sila sa kanilang normal na pamamaraan. Ang mga mandirigma ng komunista ay lumabas sa gubat, lumalakad sa bahay-bahay, at inuutusan ang mga tao na magtipon sa lugar na pinagtitiponan sa nayon. Kung may tumatanggi, sila ay binabaril agag. Maraming tao ang namatay sa labas ng kanilang mga tahanan. Ang natitira ay dinala sa isang maliit na pag-susuri sa gubat sa likod ng nayon. Ang mga sundalo ay nagtatapon ng ilang mga kagamitan sa kanila, at inuutusan silang magsimulang maghukay. Ang mga tagabaryo ay naghuhukay ng kanilang daraanan sa pulang luwad na lupa. Lahat sila ay may kamalayan na marahil ay ang kanilang sariling libingan na ang kanilang hinuhukay. Ang ilan sa kanila ay nahihimatay sa pagod, kaya sila ay binaril kaagad, at itinatapon sa gilid ng butas na kanilang hinuhukay.
Lumipas ang mga oras; ang mga kawawang tao ay pawisan, umiiyak at naghuhukay upang gawing malalim at malawak ang mga butas. Kalaunan, sinabihan sila ng mga sundalo na ibagsak ang kanilang mga kagamitan, at ang lahat ay inutosan ng mga sundalo na harapin ang mga libingan na kanilang ginawa. Takot na takot silang nakatayo doon, naghihintay na pagpapatayin sa pamamagitan ng pagbaril o paghampas; alam nila na mas gusto ng mga sundalo na paghahampasin sila upang hindi masayan ang kanilang mga sandata.
Ang mahalumigmig na hangin ang nasa paligid. Isa-isa silang nagsimulang umiyak, at desperadong panalangin para sa tulong ang naririnig mula sa kanilang mga labi. Ang ilan ay tumawag para kay Buddha, ang iba ay para sa kanilang ninuno, o ina. Bigla, nagsimulang sumigaw ang isang babae. Ang kanyang sigaw ay nagmula sa isang bagay na sinabi sa kanya ng kanyang ina matagal na panahon na ang nakalipas - tungkol sa isang Diyos na nakabitin sa isang krus. Sumisigaw na siya ng tulong ngayon sa Diyos na ito. Marahil siya na naghihirap sa kanyang sarili ay maaaring magkaroon ng pagdamay sa mga naghihintay ng kamatayan mismo. Bigla, lahat ng kanilang mga tinig ay nagkaisa sa isang karaniwang pagsigaw sa Diyos na nakabitin sa krus. Pagkatapos nito, natahimik ang paligid. Nakatitig ang lahat sa madilim na libingan sa harap nila. Dumaan ang ilang mga segundo - tahimik lang. Walang nangyari. Dahan-dahang nagsimula silang lumingon upang makita kung ano ang nangyayari. Wala ng kahit sino sa kanilang likuran. Nawala ang mga sundalo.