
Ang Kwento ni Tiwan

Kahit isang maliit na tipak na kahoy lang ang nabaon sa iyong daliri ay maaaring magdulot ng hindi kapani-paniwalang sakit. Bagama't ang natitira bahagi ng iyong katawan ay maayos, ang daliri na iyon ay kukuha ng lahat ng atensyon. Masakit man itong kunin, pero alam mo na kailangan mo itong gawin.
Ngunit paano kung mas malaki at mas mahirap ang nakabaon sa katawan mo? Isang kawit? bakal na pako? O kaya isang bala? Nangyayari iyon sa ilang tao, at maiisip mo na lang kung gaano kasakit ang kanilang nararamdaman.
Ang sakit sa ating laman mula sa isang nakatusok na bagay ay madali lang makita, at kadalasan ay mabilis lang gamutin.
Ngunit paano naman ang mga bagay na tumatama at nag iwan ng sugat sa ating kaluluwa? Pwedeng isang salita, pwedeng kapabayaan, o maaaring masasamang gawa na ginawa ng ibang tao sa atin. Paano kaya natin ito magagamot?
Basahin mo ang kwento at patotoo ni Tiwan kung ano ang naranasan nya sa kanyang buhay . Si Tiwan ay 18 taong gulang nang mangyari ang isang sakuna sa kanyang pamilya. Naisiwalat na ang kanyang ama sa loob ng mahabang panahon ay may ibang babae bukod sa kanyang asawa.
Si Tiwan ay ganap na nalungkot. Pakiramdam niya ay imposible nang manatili sa kanilang bahay, kaya lumayas siya. Pumunta siya sa mga lugar kung saan nakilala niya ang mga taong humila sa kanya sa mga masasamang bagay.
Sa edad na 25, si Tiwan ay naging isang drug addict, isang prostitute, nagkaroon siya ng isang anak, tinangka siyang patayin, naging schizophrenic at nauwi siya sa kulungan.
Isipin mo ng Mabuti ang nabasa mo. Isa lang sa mga diagnosis na iyon ay higit pa sa masama para sa isang kabataan. Ito man ay pagiging adik o prostitute o schizophrenic. Si Tiwan ay lahat ng ito.
Isang araw, sa loob ng bilangguan, nakatagpo ni Tiwan ang isang taong hindi nya kilala noon.
Wika nya ay “nakilala ko Hesus ng mga panahong iyon. Hindi sa pisikal na nakikita ng tao, ngunit napakapersonal pa rin.
Nakakarinig si Tiwan ng mga boses sa kanyang isip sa lahat ng oras dahil sa kanyang kundisyon; kinausap niya ang mga boses na iyon, kaya pinagtatawanan siya ng mga tao at pinagkakamalan syang baliw. Ngunit ng araw na iyon, ibang boses ang narinig niya: hindi sa kanyang isip kundi sa kanyang puso.
Ito ang mga salitang nangusap sa kanya:
“Ako ay totoo. Hindi mo na muling dadanasin ang kalungkutan.”
“Naranasan ko ang parusang electric shock” sabi ni Tiwan. “Ngunit sa kaunaunahang pagkakataon ng aking buhay ay naranasan ko ang kapayapaan ng Diyos. Mula ng sandalling iyon, alam kong si Hesus ang nangungusap sa akin. Tinanong ko ang babaeng nag-imbita sa akin kung paano ako maaaring magsimulang manampalataya sa Kanya, at pinangunahan nila ako sa isang panalangin. Mula sa araw na iyon, nagsimula Siyang kumilos sa aking buhay. Mula sa mga tinig na naririnig ko sa aking isipan bilang isang taong may schizophrenia, naririnig ko na ngayon ang tinig ni Hesus sa aking puso. Araw-araw, pinangunahan Niya akong magpatawad. Pinagaling niya ako sa sakit na schizophrenia sa loob ng bilangguan. Napakalaki ng pagbabago sa buhay ko na dumating sa puntong nagsisimula ng magtanong ang mga kasama kong bilanggoan, bakit ka nandito? Napakabait mo, mabait at magalang, anong ginagawa mo dito? Matapos kong maranasan at napagtanto na Siya ay totoo, nanalangin ako: “Hayaan mong maging katulad Mo ako. Wala na akong ibang hangad sa aking sarili, si Hesus lang.” Isa-isang ipinakita ng Espiritu Santo ang mga taong nagkasala at nanakit sa akin, at nangusap Sya na patawarin ko sila, isa-isa. Sa pagpapatawad ko iginugol ang mga buwan ko sa loob ng bilangguan. Lubos na kinailangan ko ang pagkakataong iyon, at unti-unti akong gumaling nang lubusan.
Hindi ako maniniwala na ang depression, schizophrenia at addiction ay hindi maaaring gumaling. Naranasan ko at napatunayan na kayang gawin ito ni Hesus.”
Ang buhay ni Tiwan ay puno ng malalim na sugat. Sekswal na pang-aabuso ng mga lalaki,
muntik nang mapatay ng mga blackmailer, lulong sa droga at nalugmok sa bilangguan. Ang susi sa kanyang paggaling ay isang salita: “Pagpapatawad“
“Isa-isa, ipinakita sa akin ng Diyos ang mga mukha ng mga taong umaabuso sa akin, at hinamon Niya akong patawarin sila.”
Sobrang sakit, ngunit napaka makapangyarihan!
Simula noon, mahigit 20 taon nang naglilingkod si Tiwan sa Diyos kasama ang mga taong ibat-iba ang mga pangangailangan. Ngunit una sa lahat, ang pangangailangan sa pag-ibig at kaligtasan na matatagpuan sa Diyos.
Ang daang tinahak ni Tiwan tungo sa tuloyang pag galing ay maaaring tahakin ng lahat. Maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa KingLove kung may mabibigat kang pasanin o di kaya ay may sugat ka sa iyong kaluluwa. Ipagdadasal ka namin, at baka kaya rin naming mabigyan ka ng payo at mga salitang mag dudulot sayo ng kagalingan.
