top of page

Ang Patotoo ni Sita Thapa

Ang Patotoo ni Sita Thapa

Si Sita Thapa, isang miyembro ng St. Joseph Church sa Kalimpong, ay nagbabahagi ng kanyang personal na patotoo tungkol sa paghahanap kay Kristo sa gitna ng pagsubok. Ikinukuwento niya kung paano nagbago ang kanyang buhay at ang kanyang pamilya nang sila ay lumapit sa pananampalataya, at kung paano gumaling ang kanyang asawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng panalangin at binyag.
Purihin ang Panginoon sa lahat, ako si Sita Thapa mula sa Kalimpong miyembro ng St. Joseph Church. Gusto kong magpatotoo ng isang maikli na patotoo para sa ninyong lahat. Ako ay lumaki bilang isang pamilyang Hindu at lumapit kay Kristo.

Hindi ko nakilala si Kristo noong hindi ako mananampalataya. May kalungkutan at kahirapan sa buhay ko. Hindi ito nangyari dahil sa aksidente lang bagamat, ngunit ang aking asawa ay may malubhang sakit. Sinubukan kong lahat para gumaling siya , ngunit walang nangyari.

Noong 2016 nakilala ko ang Panginoon. may isang kamag-anak na dumating para ipagdasal ang aking asawa. Sabado noon nang bumisita sa amin ang lalaking iyon para ipagdasal ang aking asawa. At tinanggap niya kami sa kanyang Simbahan kinabukasan. OK din naman kami sa kanya. Pinag-isipan kung maigi kung pupunta ako sa simbahan o hindi. Ngunit sa kabilang banda, ang laman ng aking puso ay bahagyang bumangon ang pananampalataya na kung ang aking asawa ay nagiging mas mabuti kaysa sa amin at kinabukasan nagsimba ang dalawang anak ko at ang asawa ko.

Umupo kami pero takot ang lumitaw sa puso ko.Ngunit kalaunan ay nakaramdam ako ng kapayapaan sa loob ng aking puso. Makalipas ang ilang araw matapos kaming magsimba ay unti-unting gumaling ang aking asawa. Nagpasya ang aking asawa na magpabawtismo, kahit sa kabila ng karamdaman niya. Sinabi ko sa isang miyembro ng simbahan ang tungkol dito. Sinabi niya sa akin na nsiya ay susunduin at ipagdasal ko din siya at painumin muna ng gamot.

Ngunit sa panahong iyon, hindi ko alam kung paano magdasal ngunit ako ay nanampalataya at kinuha ko kinarga ko ang asawa ko at pinasakay ko sa loob ng sasakyan.

Hanggang sa nabinyagan siya , pinahiga namin siya ng ilang oras. Ngunit pagkatapos ng binyag ay gumaling siya at siya mismo ang naglakad pauwi.

Sinasabi sa akin ng lahat noon na hindi na mabubuhay ang aking asawa. Ngunit pinagaling siya ng Diyos. Binigyan siya ng panibagong buhay.

Pagkatapos noon ay nakilala ko ang Panginoon, natagpuan ko Siya at naniwala ako sa Kanya. Kahit na maraming pangyayari ang dumating, pero nanatili akong umaasa sa Kanya at sa Kanya lang ako nanalangin.
Nakatanggap ako ng panalangin mula sa Kanya.

Kahit ngayon ay maraming mga pagsubok, ngunit hinding hindi ano iiwanan ni Hesus, kahit saan ako magpunta ay ginagabayan Niya ako. Kung ano man ang meron ako ay galing lahat kay Jesus kahit na kung sino ang nagsasabi kung ano. Ginagabayan Niya ako. Masaya ako sa pamilya. Ako ay may kapayapaan sa Kanya. Di man nakikita ng mga nakapalibot saakin pero alam ko sa puso ko kasama ko si Kristo Hesus!







Hjerte til nettside.png
  • Facebook
bottom of page