
Ang tuluyang paggaling ni James

Si James na isang batang lalaki ay nakilala namin sa Bhutan, panahon ng tag-araw noong 2015, sa isang kumperensya ng kabataan sa Thimphu. Ito ang kanyang sariling mga patotoo tungkol sa kung paano niya nakilala si Jesus, tungkol sa mga paghihirap na naranasan niya, at tungkol sa mga himala na nangyari.
Noong si James ay 15 taong gulang, may malaking pagbabago sa kanyang buhay. Nasa siyam (9)na baitang siya, at nagtatrabaho pagkagaling ng paaralan upang suportahan ang kanyang pamilya, at makapagbayad ng kanyang sariling bayarin sa paaralan. Sa Disyembre at Enero, ay panahon ng bakasyon, at sa panahong iyon nagtatrabaho siya sa isang mataas na gusali. Isang araw, nahulog siya mula sa ikatlong palapag, at bumagsak sa isang palapag na mga tiles. Hinimatay si James, at dinala sa ospital. Sa oras na iyon, may kakaiba, lumabas na para bang hndi manlang sya nasugatan.
Pinauwi na siya kaagad sa bahay, at siya ay binigyan nila ng pangpawala ng sakit, ngunit ito ay hindi na kailangan gamitin para sa kanya.
Makalipas ang isang linggo ang mga problema ay nagsimulang lumitaw. Siya ay bumalik sa paaralan, at habang naroroon, nagsimula siyang makaramdam ng sakit pareho sa kanyang likod at tiyan. Ang kanyang dalawang binti ay nagsimulang umumbok, at kumalat ito sa buong katawan niya. Si James dati ay tumimbang ng 50 kilos, ngunit dahil sa pamamaga, tumaas ang kanyang timbang sa 70 kilos. Sinabi niya sa amin na ang kanyang daliri ay bumabaon sa kanyang katawan kung itutulak niya ito ng kanyang kamay, at hindi na niya kayang magsuot ng sariling damit. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa ospital na ang kanyang mga bato ay maaaring nasugatan pagkatapos ng pagkahulog. Ibinahagi sa amin ni James na siya ay malungkot dahil nagkasakit siya, at dahil lumayo din siya sa Diyos, at hindi na niya alam kung paano siya babalik sa Kanya at maranasan ang Kanyang pag-ibig.
Pagkatapos ng isang linggong gamutan sa ospital si James ay naging maigi, kaya siya ay pinauwi. Ngunit pagkaraan ng isa pang linggo, nagsimula ulit siyang mamaga. Bumalik siya sa ospital, at sa pagkakataong iyon ay nanatili siya nang isang buwan. Sinabihan siyang uminom ng maraming tubig, at bumalik sa ospital nang regular upang masuri.
Sa panahong tag-araw noong 2012, isa at kalahating taon pagkatapos ng pagkahulog, si James ay nasa isang kumperensya. Namamaga ang kanyang katawan. Siya ay nakaluhod, nananalangin at umiyak. Ang mga mangangaral sa kumperensya na nanalangin sa kanya, ay nag sabi na nalulugod sa kanya ang Diyos, at oras na upang magalak. «Nakaluhod ako doon sa aking sariling mundo, at hindi ko namalayan ang anumang nangyari sa paligid ko, ngunit naramdaman kong parang may apoy na lumiliyab sa looban ko. Nakaramdam ako ng kagalakan, at may liwanag na lumapit sa akin, at nagsimula akong napaiyak. Naramdaman ko ang init, pareho akong natutuwa at umiiyak, at nakaramdam ako ng kagalingan sa buong katawan ko. Nakaramdam ako ng kapayapaan. kakaiba ang pagkilos ko kaysa sa dati; Sumasayaw ako at gamit ang aking mga kamay iwinawagayway koi to lapas sa aking ulo. Hindi ko ito naaalala sa aking sarili, ngunit sinabi ito sa akin ng aking mga kaibigan pagkatapos » sabi ni James.
«Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsimulang mapansin ko ang mga tunog sa aking paligid; na ang ilan ay tumatawa, at ang ilan ay umiiyak. Sa puntong iyon napansin ko na may nangyari sa akin, sa aking katawan. Sinabi ng aking kapatid na iba ang hitsura ko, at nang tumingin ako sa salamin ay nawala na ang pamamaga. Nagulat ako at masaya, ang aking pag-aalinlangan ay nawala, at alam kong tunay ang Diyos, pinagaling mo ako! »