top of page

ANO ANG GINAWA MO
SA PINAKAMALIIT NA ITO

ANO ANG GINAWA MO
SA PINAKAMALIIT NA ITO

May isang babae na parehong bingi at pipi, at hindi maayos ang kalagayan sa buhay. Sya ay isang batang babae na nanirahan sa isang lugar sa hilaga ng India. Nagahasa siya at nabuntis. Dahil dito, ang lahat ay tila galit sa kanya. Pinayagan siya ng isa sa kanyang mga tiyuhin na manatili sa kanila ng panandalian ngunit nang malapit na siyang manganak, ang mga tao ng bayan ay pumunta sa bahay ng kanyang tiyuhin at iginiit na kailangan syang palayasin. Hindi nila pinahihintulutan ang mga babaeng katulad niya sa lungsod. At sa gayon, ipinadala nila siya sa ilog ng Bengali na pastulan ng mga hayop. Siya ay inilagay sa isang maliit na kamalig at doon nya ipinanganak ang isang maliit na sanggol. Maaga nyang ipinanganak ang sanggol na ito. Siya ay inilagay na hubad sa sahig sa tabi ng kanyang ina. Masakitin ang ina dahil sa kakulangan ng nutrisyon. Ang sanggol naman ay maliit at nakakaawa. 

Silang dalawa ay marahil nakahilata ng ganito sa sahig sa loob ng isa o dalawang araw bago nalaman ni Arem ang tungkol dito.

Pumupunta si Arem sa nayon tuwing Linggo upang magturo sa mga kababaihan doon. Dumiretso siya sa lugar kung saan inilagi ang dalawang mahirap na ito. Natagpuan niya ang mga ito sa nakakakilabot na kalagayan. Ipinagdasal ni Arem at ng isang kaibigan ang babae at ang kanyang anak na babae. Pagkatapos ay dinala nila sila sa isang ospital sa Siliguri. Ginamot sila sa intensive care division nang higit sa isang linggo. kinulang ng maraming dugo ang ina. Napakaliit din ng bata kaya sinabi ng doktor na baka hindi siya makakaligtas, ngunit ipinangako niyang gagawin nya ang kanyang makakaya. "

"Sa biyaya ng Diyos", sabi ni Silas, "pareho silang naka ligtas." Nanatili sila sa ospital ng tatlong linggo. Pagkatapos nito, dinala sila nina Silas at Arem sa kanilang sariling tahanan. Nanatili sila roon hanggang sa ganap na silang magaling. "Nais naming ibalik sila sa nayon na pinanggalingan nila, ngunit ang ilang mga kamag-anak ng babae ay nagsabi na hindi kaya ng kanyang ina na mapangalagaan ang kanyang sanggol. Dahil dito, ang maliit na batang babae na ito ay nanatili na sa aming bahay ampunan.Nakatira ang ina kasama ang isang tiyahin at tiyuhin nya kung saan kailangan niyang magtrabaho ng pagbubuhat ng tubig at pag-aalaga ng mga hayop. Iyon ay mahirap na trabaho ngunit minsan kapag may oras at lakas pa siya, dinadalaw niya ang kanyang maliit na batang babae bahay ampunan. ”

Hjerte til nettside.png
  • Facebook
bottom of page