
Mag-asawang Puno Nang Pag-ibig

May kasabihan, na "kung saan may silid sa puso, may silid sa bahay". Ito ay isang mabuting paraan upang mailarawan ang "Multi purpose center" sa lungsod ng Ozamiz, Pilipinas. Noong 2005, ang ilang mga organisasyon ng misyon ay bumili ng bahay sa Ozamiz. Ang lungsod ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng isla na tinatawag na Mindanao, at halos 130 000 katao ang nakatira dito. Ang lungsod ay isa sa kilalang pinakapangit at pinaka kriminal na bayan sa buong Pilipinas, ngunit kung saan mayroong kadiliman, ang ilaw ay liliwanag na mas maliwanag!
Ang Multipurpose Center ay puno ng mga aktibidad araw-araw. Dito pumupunta ang mga batang kalye, kung saan sila makakakuha ng lebreng pagkain. Sa araw ang bahay na ito ay nagsisilbing day care center para sa mga bata na hindi pa nagsisimula ng pag-aaral. Natututo silang magbasa at sumulat, na kung saan ay isang kailangan para sa sinumang bata na nais na sumali sa paaralan sa Pilipinas. Sa gabi, ang bahay ay napupuno.
Lunes ng gabi ay oras ng pag-aaral ng bibliya para sa mga bata, at ang Martes ay oras ng pag-aaral ng bibliya para sa mga kabataan. Sa Myerkules, ang mga bata ay nag titipon-tipon para manalangin, at sa Biyernes ay mayroon silang pag titipon ng mga kabataan. Sa Sabado ng umaga, ginagawa nila itong paaralan na kung saan ay nag-aaral sila ng bibliya doon, sinasanay nila ang mga pinuno sa bibliya, at sa hapon, may kasanayan sila para sa mga mananayaw at mang-aawit. Sa Linggo, mayroon silang dalawang pag-samba. Sa ikalawang palapag ng center, ma sampung kabataan na permanenteng naninirahan sa bahay. Ang lahat ng ito ay mga batang kalye na wala nang iba pang lugar na matitirahan. Ang mas nakatatandang mga bata ay nag-aalaga sa mga nakababata, at lahat sila ay may iba't ibang mga atas. Sa ganitong paraan, natututo silang mamuhay gaya ng normal na pamumuhay. Ang mag-asawang namamahala sa bahay ay sina Helen at Joseph, o tinawag ng lahat na Jojo.
Si Jojo ay nagmula sa Ozamiz, at siya ang bunso sa 5 magkakapatid. Isa sa kanyang mga nakatatandang kapatid ay aktibo sa kilusang gerilya na nakipaglaban sa katiwalian ng gobyerno. Ang problema sa kilusang ito ay nilalagay nila ang batas sa kanilang sariling mga kamay, at pinapatay ang kanilang mga kalaban - kahit isang beses pa lamang nilang pinaghihinalaang tiwali. Nang si Jojo ay 13-14 taong gulang, inanyayahan siyang tulungan ang kanyang kapatid, at ang tungkulin ni Jojo ay tumanggap ng mga sandata at bala sa pantalan ng Ozamiz, at dalhin ito kahit saan nais ng mga gerilya. Si Jojo ay maiging kasapi sapagkat ang pulisya ay hindi mag-aakala na ang isang bata ay magiging bahagi ng gerilya. Bagamat kailangan pa rin niyang mag-ingat; siya ay karaniwang bumabyahe sa kalaliman ng gabi at dumadaan sa mga gilid ng kalsada upang maihatid ang mga peligrosong kalakal.
Iniisip ni Jojo na siya ay gumagawa ng mabuting gawa sa pamamagitan ng pagtulong sa ganitong paraan. Ngunit, nalaman ng isang pastor ang tungkol sa ginagawa niya, at naisip nya na masama para sa batang lalaking ito na sayangin ang kanyang buhay sa ganitong paraan. Nagpasya syang anyayahan si Jojo na maging isang tagapagturo sa ‘Sunday school’ ng kanyang simbahan. Gayundin nadama ni Jojo na ito ay isang mahalagang gawain at ginawa nya ang kanyang tungkulin na may labis na pagkasabik. Nang siya ay 16 taong gulang, lumipat na sya sa gusali ng simbahan, nag umpisa din sya sa kolehiyo, at sa kalaunay naging pinuno din sya ng mission work sa simbahan. Kumuha ng kanyang maraming oras ang mga gawain sa simbahan kung saan na kaligtaan niyang kumuha ng kanyang huling pagsusulit. Nasa 22 taong gulang na siya, pinakasalan niya si Helen na isa ring aktibong miyembro ng simbahan.
Si Helen ay lumipat sa Ozamiz mula sa isang kalapit na isla at sumali sa simbahan dahil inanyayahan siya ng kanyang kapatid. Ang kanyang pamilya ay napakahirap; ang kanyang ina ay di nakakapag basa, at ang kanyang ama ay nagtrabaho sa isang pabrika ng asukal. Sa kabila nito, alam ng kanyang mga magulang na ang pinakamahusay na paraan upang malampasan ang kahirapan ay ang mapag-aral ang kanilang mga anak, kaya't binigyang priyoridad ang pag-aaral ni Helen at ng kanyang kapatid na babae. Gusto ni Helen na maging isang nurse, ngunit ito ay masyadong mahal, kayat sa halip ay nag-aral sya bilang isang social worker. Pagkatapos niyang matapos ang kanyang pag-aaral, mahabang panahon na hindi sya nakakahanap ng trabaho. Kaya tinanong sya ng kanyang kapatid kung nais niyang pumunta sa Ozamiz at gamitin ang kanyang mga kasanayan sa simbahan doon dahil mayroon silang malawak na gawaing panlipunan. Ginawa iyon ni Helen, at mula noong 2004 ay namahala siya ng isang programa para sa pagpapaaral sa Ozamiz.
Bilang karagdagan sa pagkakaroon nila ng tatlong anak, sina Jojo at Helen ay nagbukas ng kanilang pamilya para sa mga batang kalye sa multipurpose center. Sa katotohanan, nagsisilbi sila bilang ina at ama para sa sampung kabataan na naninirahan doon. Kinuha nila ang responsibilidad bilang maging mga magulang sa tatlo sa mga ito
Hindi naghahangad sina Jojo at Helen na purihin. Tahimik silang gumagawa, ngunit ang gawain ay makikitang namumunga. karamihan sa atin, na nagtatakda ng mga oras ng pagtatrabaho, mahirap maunawaan kung paano nabubuhay at magtrabaho sina Yojo at Helen tulad ng ginagawa nila - bilang full time na mga manggagawa sa lipunan. Nakatira sila sa gitna ng kahirapan, at alam na nila sa kanilang sarili kung paaano ang nais na parang walang kahit sino sa paligid, o hindi magkaroon ng sapat na pagkain sa hapag kainan. Upang makita lang ang isang bata na karaniwan na walang nag-aalaga na ma alagaan, ang ma alagaan at masamahan sa paaralan, ay higit na katumbas ng kaginhawaan at isang "normal" na buhay.