top of page

Sa Tamang Panahon Lang

Sa Tamang Panahon Lang

Sinabi sa amin ni Pastor Silas na mula sa India: "Noong buwan ng Pebrero, lumabas kami upang mangaral ng ebanghelyo. Natagpuan namin ang isang tao na nakatira sa maliit na kubo isang malawak na bukid . Ang kubo ay halos dalawang metro kuwadrado at isang metro ang taas. Ang taong ito ay nanirahan dito sa huling tatlong taon, at tila siya ay nagdurusa sa sakit na ketong. Mayroon din siyang dumudugo na sugat sa kanyang dibdib, isang malalim na sugat kung saan lumabas ang ilang likido. Siya ay laging nakahubad at gumawa siya ng higaan sa pamamagitan ng  pinagdikit dikit na  mga bato. Niluluto niya ang kanyang pagkain sa labas ng kubo.

Minsan, ang ilang mga tao ay dumadating at binibigyan siya ng kaunting pagkain, at kung minsan ay nagpupunta siya sa bayan upang bumili ng kaunti, ngunit ngayon siya ay nagkasakit  at ang kanyang tanging inaasahan na lamang ay ang tulong ng ibang tao.

Naupo kami at sinabi sa taong ito ang patungkol sa pag-ibig ng Diyos, ibinahagi namin ang ebanghelyo sa kanya, at tinanggap kaagad niya si Hesus bilang kanyang Tagapagligtas .

Binigyan din namin siya ng pagkain at damit. Isinasaalang-alang namin na dalhin siya sa aming sentro ng pangangalaga para sa mga matatanda, ngunit ang kanyang kalagayan ay hindi maganda, at magiging problema ito para sa ibang mga matatanda doon. Napagpasyahan namin na dalhin namin siya sa doktor. Isinakay namin siya sa isang kotse papunta sa klinika. Sa kasamaang palad, walang doktor na pwedeng umasikaso sa kanya. Pagkatapos ay sinabi ng isang nars na hindi siya nahihirapan sa sakit niya na ketong, kundi mula sa ilang iba pang mga sakit niya. Tinanong kami kung maaari ba kaming bumalik sa ibang araw kung kailan may doktor na. Dinala namin siya pabalik sa kanyang kubo at gumawa ng isang plano na bumuo ng isang maliit na bahay para sa kanya. Kinabukasan, lumabas ang ilan sa aming mga kaibigan upang bigyan siya ng pagkain. Sinabi nila sa amin na siya ay patay na. Natagpuan namin siya sa huling minuto ng kanyang buhay at natagpuan siya ng Panginoon bago siya napatay. "

Hjerte til nettside.png
  • Facebook
bottom of page